Home HOME BANNER STORY 17 patay sa banggaan ng trak at van sa Cotabato sa Lunes...

17 patay sa banggaan ng trak at van sa Cotabato sa Lunes Santo

COTABATO – Patay ang nasa 17 indibidwal kabilang ang isang sanggol sa isang malagim na aksidente sa kalsada pasado alas dose ng tanghali nitong Lunes Santo sa bayan ng Antipas.

 

Nag-ugat ang pagkakasawi matapos na magbanggaan angĀ  isang pampasaherong van at isang dump truck sa national highway sa Barangay Lohong.

Maliban sa kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima mula sa pagkakabangga ay nasunog pa hanggang sa mamatay ang mga ito. Tatlo naman ang naiulat na nakaligtas sa insidente.

Sinabi ng LGU na kumikilos ito upang mabigyan ng kinakailangang tulong at suporta ang mga pamilya ng mga biktima, na karamihan ay residente ng bayan. Santi Celario

Previous articleBigtime oil price hike ipinatupad
Next article2 bettors maghahati sa P9M Mega Lotto jackpot