Home NATIONWIDE Data breach sa logistics system iniimbestigahan na ng PNP

Data breach sa logistics system iniimbestigahan na ng PNP

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad ng breach sa logistics, data, information at management system nito.

“At about 10 a.m. today, it was reported that yun pong logistics, data, information, and management system experienced an alleged breach,” sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa presser.

“As an initial action po, yun pong ating IT officer immediately shutdown po yung system to prevent damage if any,” dagdag pa niya.

Batay sa initial assessment, sinabi ni Fajardo na wala silang namonitor na anumang data breach.

Nagpapatuloy ang assessment at imbestigasyon ng PNP sa insidenteng ito.

Ani Fajardo, ang sistema ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon sa logistical resources ng PNP. RNT/JGC