Home METRO Milyong halaga ng shabu, ecstacy nasabat sa parking ng mall

Milyong halaga ng shabu, ecstacy nasabat sa parking ng mall

MANILA, Philippines – Isang 29-anyos na vendor ang nahulihan ng tinatayang P1.195 million halaga ng droga at ecstacy sa isinagawang buy bust operation sa parking lot ng isang mall sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang suspek na si alyas Haron ng Brgy Balibago, Angeles City, Pampanga, nasa listahan ng High Value Individual (HVI).

Sa report, dakong 12:20 ng hapon ay nagkasa ng buybust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office IV-A, RSET 1, Cavite Police Provincial Office (PPO) sa parking lot E ng isang mall na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang isang sling bag na naglalaman ng 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P345,000.00, isang J&T plastic bag na naglalaman ng 503 piraso ng kulay blue na tableta ng hinihinalang ecstacy na may street value na P950,000.00 o kabuuan na P1,195,000.00, buy bust money at isang Barangay ID ng Barangay Balibago Angeles City, Pampanga.

Nahaharap ang nadakip na suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165. Margie Bautista