Home NATIONWIDE ALAMIN: Mga prayoridad na infra projects ng DPWH ngayong taon

ALAMIN: Mga prayoridad na infra projects ng DPWH ngayong taon

224
0

MANILA, Philippines – Inilabas ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Lunes, Enero 12 ang mga proyekto sa imprastruktura na kanilang prayoridad sa 2026.

Sa isang press conference, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na ang mga prayoridad na proyekto ay nakatuon sa pagkumpuni ng mga nasirang kalsada at tulay, pagkumpleto ng mga hindi tapos na proyekto, at rehabilitasyon ng mga istruktura sa pagkontrol ng baha bago ang tag-ulan.

Ang mga prayoridad na proyekto ng DPWH para sa 2026 ay ang mga sumusunod:

– Mga proyekto sa kalsada at highway

– Maharlika Highway

– Andaya Highway

– EDSA

– C-5 Road

– MacArthur Highway sa Apalit, Pampanga

– Mga proyekto sa tulay

– Buot-Taop Bridge sa Cebu City

– Oyungan Bridge sa Iloilo

– Tubod-Nabuna Bridge sa Aloran, Misamis Occidental

– San Agustin Bridge sa Arayat, Pampanga

– Candaba Bridge sa kahabaan ng Baliwag-Candaba-Sta. Ana Road sa Pampanga

– Tigasao–Pacifico Bridge sa Siargao

– Hanging bridge sa Barangay Kayapa, Nueva Vizcaya

– Proyekto sa flyover

– Aganan Flyover, Iloilo

– Mga proyekto sa pagkontrol ng baha

– Bulacan

– Oriental Mindoro

– Davao Occidental

Ang programa sa imprastruktura para sa 2026 ay prayoridad ang pagkumpuni ng mga “bitin” o hindi tapos na kalsada at tulay, at pagkumpuni ng mga proyekto sa flood control na may mga depekto bago ang simula ng tag-ulan.

Sinabi ni Dizon na ang pondo ay tututok sa pagkumpleto ng mga ongoing na proyekto at ang lahat ng mga bagong proyekto ay dapat may tamang pagpaplano at endorsement mula sa mga lokal na development councils.

Hinimok ng DPWH chief ang publiko na i-report ang mga hindi tapos na proyekto sa imprastruktura sa kanilang mga lugar sa pamamagitan ng transparency portal at opisyal na social media accounts ng ahensiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here