Manila, Philippines- Magsisilbing hamon kay Alden Richards to disprove ang opinyon ng maraming netizens na nanganganib tangkilikin ang first ever screen teamup nila ni Julia Barretto.
Magsasama sina Alden at Julia sa pelikulang MakMak, ang Philippine adaptation ng Thai supernatural horror romance comedy na PeeMak.
Ipinilabas ito noong 2013 kung saan bida ang Thai superstar na si Mario Maurer kasama si Davika Hoorne.
Sa Pinoy adaptation, collab ito ng Viva Films at ang film company na pag-aari ni Alden na Myriad Films.
Bagama’t may ilang netizens are looking forward to seeing Alden-Julia team up for the first time ay ninenega na this early ang proyekto.
Ayon sa mga naysayer, tingnan daw nila ang box office magic ni Alden nang hindi si Kathryn Bernardo ang kapareha.
Apparently, ang “peg” na tinutukoy ng mga netizens ay ang Hello Love Again ng KathDen, hailed as the top-grossing Filipino movie of all time.
Balitang nakamahigit P1 billion ang kinita nito here and abroad.
Dine-dare ng mga netizens si Alden na abutin din ng movie nila ni Julia ang record ng HLA.
Well, malabong mangyari ang gusto ng mga netizens dahil magkaiba ang genre ng dalawang pelikula.
It’s safe to ask kung mahihigitan ba nina Alden-Julia ang Thai movie. Ronnie Carrasco III