Home ENTERTAINMENT Alden, pinagbawalang magsapatos sa bahay ni Kathryn!

Alden, pinagbawalang magsapatos sa bahay ni Kathryn!

Manila, Philippines – For safety reasons nga ba?

Hindi maiiwasang itanong kung bakit may mahigpit na house rule na ipinatutupad sa bagong bahay ni Kathryn Bernardo.

Strictly no wearing of shoes allowed.

Ang siste, naka-tsinelas na may medyas ang mga bisitang pinapasok sa bahay ng aktres.

Hindi ligtas ang “special guest” ng pamilya Bernardo na si Alden Richards who had to take off his shoes.

Special guest ang Kapuso actor in the sense na hiniling pala ng brother ni Kathryn that Alden be around at his despedida party.

Paalis na kasi ang elder brother ni Kathryn na si Kevin na isang dentist who’ll fly with his doctor-wife Shannen.

Of all actors close to Kathryn ay si Alden ang gustong makita’t maka-bonding ng mga kaanak nito.

Obyus na welcome na welcome si Alden sa magarbong bahay ni Kathryn.

Balitang his frequent visits are not without flowers and pizza for the actress.

Sana nga’y panunuyo ang tawag doon gaya ng balitang masigasig sa panliligaw si Alden.

‘Yun din kasi ang panalangin ng mga KathDen not only because kasado na nga ang film shoot nila ng Hello Love Goodbye.

Sana raw, ang nakikitang ka-sweet-an ni Alden toward Kathryn ay hindi lang sa ngalan ng advance promo.

Naakusahan na kasing “Promo King” si Alden kung saan nahihilasan ang mga fans sa pilit na pagiging close nito kay Kathryn.

Proof nga na at home na at home si Alden sa bahay ni Kathryn, aside from going around in slippers ay naka-t-shirt at shorts lang ito.

Extension lang ng bahay ni Alden ang peg! Ronnie Carrasco III