Home NATIONWIDE Alert Level 2, itinaas sa Bulkang Mayon

Alert Level 2, itinaas sa Bulkang Mayon

246
0

LEGAZPI CITY – Inatasan ni Albay Governor Noel Rosal ang pagpapatupad ng safety measures matapos itaas ng Phivolcs ang alert level ng Bulkang Mayon mula 1 hanggang 2 dahil sa tumitinding pagkilos ng magma na maaaring magdulot ng mapanganib na pagsabog.

Ayon kay Rosal, ipinagbawal ng APSEMO ang anumang aktibidad sa loob ng 6-km permanent danger zone, kabilang ang pag-akyat sa bundok, pagkuha ng orchids, at pag-aani ng gulay.

Limitado lamang ang ATV rides sa Cagsawa Ruins, at pansamantalang ipinasara ang ibang lugar. May no-fly zone din sa ibabaw ng Mayon at pansamantalang sarado ang Mayon Skyline.

Iniutos niya sa Albay Police Provincial Office na ipatupad ang mga restriksyon kasama ang mga lokal na pamahalaan, at hinikayat ang lahat ng lungsod, munisipyo, at barangay DRRMC sa paligid ng Mayon na manatiling handa at naka-monitor sa kani-kanilang lugar.

“All are directed to stay on heightened alert, coordinate closely and mobilize resources as needed,” wika ni Rosal. Pinayuhan din niya ang publiko na manatiling alerto at sundan ang opisyal na update mula sa Phivolcs at lokal na awtoridad. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here