Home NATIONWIDE Alert level 3 itinaas sa La Mesa Dam; QC, masasapul!

Alert level 3 itinaas sa La Mesa Dam; QC, masasapul!

1
0

QUEZON CITY — Itinaas ang Alert Level 3 ang La Mesa Dam nitong Martes ng umaga, Agosto 18, kasunod ng patuloy na pag-ulan dulot ng habagat.

Batay sa 5 a.m. water level update ng Quezon City Government, nasa 79.71 metro ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam.

Ang Alert Level 3 sa La Mesa Dam ay nangangahulugang mataas na ang lebel ng tubig at posibleng makaapekto ang excess water nito sa mga mabababang komunidad sa kahabaan ng Tullahan River.

Binabantayan ang posibleng epekto ng labis na tubig mula sa dam sa mga mabababang lugar sa kahabaan ng Tullahan River, kabilang ang Fairview, Forest Hills Subdivision, Quirino Highway at San Bartolome.

Samantala, nasa 14.98 metro ang Marikina River, 38.44 metro ang Quirino-Tullahan River at 11.97 metro ang San Juan River. Wala nang nakataas na alert level sa tatlong ilog batay sa 5 a.m. monitoring.

Mas maaga nitong madaling araw, umabot sa Alert Level 1 ang Marikina River bago bumaba sa 14.98 metro pagsapit ng alas-5 ng umaga.

Patuloy na pinapayuhan ang mga residenteng nasa flood-prone at mabababang lugar na bantayan ang mga susunod na abiso ng lokal na pamahalaan habang nagpapatuloy ang pag-ulan.

Kasabay nito, nakataas ang Yellow Rainfall Warning sa Metro Manila nitong alas-5 ng umaga dahil sa habagat, kung saan posible ang pagbaha sa mga lugar na madaling bahain. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here