Home METRO Alert level ng Bulkang Bulusan, inalis na

Alert level ng Bulkang Bulusan, inalis na

294
0

SORSOGON, Philippines – Ibinaba na ng Phivolcs ang alert status ng Bulusan Volcano mula Level 1 (low-level unrest) patungong Level 0 (normal) matapos ipakita ng monitoring data ang patuloy na pagbaba ng aktibidad.

Ayon sa Phivolcs, bumalik na ang bulkan sa “relative quiescence” dahil bumaba sa baseline level na 0–5 volcanic earthquakes kada araw simula unang linggo ng Disyembre 2025. Bumalik din sa normal ang volcanic gas at heat emissions, at nakitaan ng depressurization ng volcanic system.

Sa ilalim ng Alert Level 0, walang inaasahang magmatic eruption sa malapit na hinaharap, ayon sa Phivolcs. Gayunpaman, pinaalalahanan ang publiko na iwasan ang 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ), lalo na sa south-southeastern slopes, dahil posible pa rin ang biglaang steam-driven o phreatic eruption, rockfall, at landslide.

Nasa Alert Level 1 ang Bulusan mula Abril 28, 2025 bago ito ibaba sa Level 0 nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 6, 2026. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here