MANILA, Philippines – “Congratulations, [Alex Eala]!“Kasama mo ang buong Pilipinas sa bawat laban mo.”
Ito ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bahagi ng pagbati nito kay Alex Eala matapos masungkit ang unang pagkapanalo sa US Open main draw.
Sa Instagram Story, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Filipina tennis ace ay “only getting started.”
“Sama-sama naming isisigaw sa mundo ang galing ng Pilipino!” dagdag na wika ng Pangulo kasunod ng hashtags #USOpen at #HerStory.
Matapos talunin ang world no. 14 Clara Tauson ng Denmark, pinako ni Eala ang kanyang sarli bilang unang Filipino player na nanalo ng Grand Slam singles main draw sa Open Era.
Samantala, nakatakda namang harapin ni Eala ang mananalo sa match sa pagitan nina Spain’s Cristina Bucsa at American Claire Liu sa susunod na round. Kris Jose