Home ENTERTAINMENT Alex, nasa Alaska, nakaligtas daw mag-donate sa flood victims?

Alex, nasa Alaska, nakaligtas daw mag-donate sa flood victims?

282
0

Manila, Philippines- Isa sa mga top-earning vlogger-content creators si Alex Gonzaga.

Ayon sa tsika, pumapalo ng hanggang P2 million ang kitang iniaakyat ng pagba-vlog niya.

Lumalabas na kahilera na raw ni Mrs. Mikee Morada sina Ivana Alawi, among others.

‘Yun nga lang, so much unlike Ivana ay hindi gaanong nagse-share si Alex ng kanyang blessings.

‘Di hamak na mas galante si Ivana na may pa-iPhone na’y may pa-cash pa sa mga random recipients ng kanyang generosity.

Anyway, may vlog si Alex na kuha sa Alaska.

On vacation kasi siya with her husband Mikee and the latter’s family.

Imagine, nakaligtas tuloy si Alex na mag-donate sa mga sinalanta ng bagyong Crising at maging ng habagat na nagdulot ng matinding baha.

Sabi nga ng mga netizen, hindi na raw bago ‘yon.

Sanay na raw sila sa kawalan ng kawanggawa ni Alex simula’t sapul!

Kunsabagay. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here