Home NATIONWIDE Alien Employment Permits application hihigpitan ng DOLE

Alien Employment Permits application hihigpitan ng DOLE

MANILA, Philippines – Paiigtingin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang screening nito sa mga dayuhang nag-a-apply ng alien employment permits (AEPs) para makapagtrabaho sila sa bansa.

Ginawa ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang pahayag kasunod ng pagsalakay laban sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), na napag-alamang nagtatrabaho sa mga dayuhang manggagawa na alinman ay walang tamang mga dokumento o gumamit ng mga mapanlinlang na dokumento.

Sinabi ni Laguesma na susuriin ang mga dokumento at pagsunite ng mga requirement.

Magsasagawa rin ng inspection ang mga Frontline sa ibat-ibang regional offices lalo na sa National Capital Region (NCR) dahil dit may maraming nag-a-apply ng AEP.

Ayon pa kay Laguesma, mayroon ding data-sharing agreement kasama ang Bureau of Immigration (BI) upang masiguro na ang mga illegal workers ay hindi na maaring nakapasok sa bansa.

“Sinisigurado din namin na walang qualified Filipino workers na mapapalitan o madidisplace dahil sa application at pagbibigay ng AEP sa foreigners”, sabi pa ni Laguesma.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOLE sa iba pang ahensya na sangkot sa hiring ng foreign nationals para sila ay dumating sa mga kinakailangang pagsasaayos sa mga patakaran sa pagpapalabas ng AEP.

Bukod sa DOLE, iba pang miyembro ng Inter-agency Task Force on the Employment of Foreign Nationals ay ang BI, Department of Justice, Department of Foreign Affairs at Professional Regulation Commission.

Samantala, sinabi ni Laguesma na nakikipagtulongan na sila sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) kaugnay sa inspeksyon ng POGOs, na kilalang internet gaming licensees (IGLs).

Aniya, isa sa mga pangunahing patakaran ng PAGCOR ay ang pagbabawal sa work-from-home scheme para sa mga empleyado ng IGL.

Paliwanag ni Laguesma, dito aniya nakikita ang illegal na aktibidad kaya naman dapat nasa place of work ang mga manggagawa kapag may inspeksyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)