Home HOME BANNER STORY Alituntunin sa holiday declaration requests hinigpitan ng Malakanyang

Alituntunin sa holiday declaration requests hinigpitan ng Malakanyang

NAGPALABAS ang Malakanyang ng memorandum na naglalayong palakasin ang mga alituntunin para sa paghahain ng ‘requests’ para sa pagpapalabas ng proklamasyon na nagdedeklara ng special non-working days o holidays.

Pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Memorandum Order (MO) 20, araw ng Martes matapos na mapansin ng Malakanyang ang napakaraming requests na nakahain ilang araw lamang bago ang mismong petsa o event.

“There is a need to strengthen the existing rules for the issuance of Presidential Proclamations declaring special non-working days or holidays,” ayon sa memorandum.

“It has also been observed that some requests are filed with other offices thus causing unnecessary delays in the processing of the proclamation requests,” nakasaad pa rin sa memorandum.

Sa ilalim ng memorandum, ang lahat ng requests para sa pagpapalabas ng presidential proclamations na nagdedeklara ng special non-working days o holidays ay kailangan na ihain at tanggapin ng Office of the President (OP) na hindi bababa sa 30 araw bago pa ang special day, holiday o event ay hangarin na masakop ng proklamasyon. Kris Jose

Previous articleNuclear war ibinabala ni Putin sa western countries
Next articleRollback sa diesel, kerosene, habang taas-presyo sa gas, asahan