Home ENTERTAINMENT Aljur, walang sama ng loob kay Jeric!

Aljur, walang sama ng loob kay Jeric!

281
0

Manila, Philippines – Hangga’t maaari, Aljur Abrenica would rather keep his two kids with partner AJ Raval off any conversation.

Aminado ang aktor na hindi pa siya handang pag-usapan ang mga ito.

Matatandaang ang nagsilbing “whistleblower” tungkol sa dalawang anak nila ni AJ ay ang mismong ama nito, si Jeric Raval.

Jeric’s confession was actually a slip of the tongue.

In short, unintentional o nadulas lang ang bibig niya at a media event kaugnay ng natapos niyang pelikula.

Kay Jeric nabunyag na isang babae at isang lalaki ang anak nina AJ at Aljur.

Kahit lantad na ang tungkol dito, tikom ang bibig ni Aljur tungkol sa mga bagets.

Pero mula sa punto de vista ng isang ama’y nauunawaan daw niya si Jeric, o “tatay” kung i-address niya.

Paliwanag ni Aljur: “Alam mo, ‘yung mga matatanda, they see things that we don’t see.”

Short of saying that he trusts the wisdom of AJ’s father.

In fairness to Jeric, he has nothing but nice words for the couple na tutok na tutok daw sa pag-aalaga ng kanilang dalawang supling. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here