Home ENTERTAINMENT Allan K, sinupalpal si Anjo!

Allan K, sinupalpal si Anjo!

337
0

Manila, Philippines – Nakita tuloy ni Anjo Yllana ang hinahanap niya!

Ito ngayon ang pang-alaska ng mga netizens sa komedyante matapos magpahayag ng kanyang ambisyong tumakbong senador sa 2028.

Desidido na nga sa kanyang senatorial bid si Anjo sa gitna ng pang-aaway niya kay Senate President Tito Sotto.

Nauna nang inisyu ni Anjo ang umano ay mistress o kabit ng mambabatas noon pang 2013.

Nagbanta pa itong tutukuyin kung sino ang babae, only to take back his words.

Kambyo ni Anjo, namba-bluff lang daw siya’t hindi dapat seryosohin.

Nang mangakong mananahimik na siya sa mga kapatid ng senador na sina Bossing Vic at Maru ay naglabas naman si Anjo ng kanyang deklarasyon tungkol sa kanyang senatorial ambition.

Pagbibida niya, pag nanalo raw siya sa minimithing posisyon ay mababawasan ng isang magnanakaw ang Senado–at madadagdagan ng isang honest o tapat na mambabatas.

Hindi naman ito pinalampas ni Allan K.

Dating kasamahan ni Anjo si Allan K sa Eat Bulaga.

Hirit ni Allan K: “Ganyan din ang sinasabi ng maraming gustong tumakbo!”

In short, bingi na daw ang mga botante sa paulit-ulit na pangako ng mga tumatakbo na lagi namang парарако.

Mas matindi ang huling binitawan ni Allan K patungkol kay Anjo: “Huwag ka nang dumagdag sa sakit ng ulo ng Pilipinas!”

May reaksyon ka, Anjo? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here