MANILA, Philippines- Iprinoklama na nitong Martes sina Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan at Vice Mayor Karina Teh na nagwagi sa Eleksyon 2025.
Nakakuha si Malapitan ng 348,592 boto matapos matalo sina dating senator Antonio Trillanes IV, Danny Villanueva, Richard Canete, at Ronnie Malunes.
Samantala, nakakuha si Teh ng 351,299 boto, tinalo sina PJ Malonzo, Dante Lustre, Joseph Timbol, at Rolando Tobias.
Nagwagi rin si incumbent Caloocan 1st District Representative Oscar Malapitan, habang si dating Rep. Edgar Erice ay babalik sa 2nd District matapos matalo si incumbent Rep. Mitch Cajayon.
Samantala, si Dean Asistio ang magiging kinatawan ng 3rd District matapos tumakbo nang walang kalaban. RNT/SA