Home NATIONWIDE Alyas ‘Itik’, isa pa timbog sa P102K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

Alyas ‘Itik’, isa pa timbog sa P102K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

199
0

Bulacan – Arestado ang dalawang tulak matapos umanong mahulihan ng P102,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na si alyas “Itik”, 30 binata, jobless, residente ng Brgy. San Pedro at alyas “Dok”, 31, jobless ng Brgy. Sta Cruz 1.

Sa report ng SJDM police station, ikinasa ang operasyon bandang 3:20 ng hapon nitong Agosto 24 sa Brgy. San Pedro.

Ayon sa report, nabilhan ng poseur buyer ng isang plastic sachet na may hinihinalang shabu ang magkatandem kapalit ang P500 kaya agad silang inaresto.

Nang rekisahin ay nasamsam pa sa kanila ang anim pang sachet na hinihinalang shabu na tumimbang ng 15 gramo na nasa halagang P102,000 at ang marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa nasabing istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here