Home METRO Ama ng pinaslang na nursing stude, pumanaw 2-araw matapos ng libing ng...

Ama ng pinaslang na nursing stude, pumanaw 2-araw matapos ng libing ng anak

1
0

BONGABONG, Oriental Mindoro, Philippines – Pumanaw nitong Martes ng madaling araw ang ama ng pinaslang na nursing student na si Altheia Maru Gabayno, dalawang araw matapos mailibing ang kanyang anak.

Ayon sa pinsan nitong si Toto Gabayno, isinugod sa Oriental Mindoro Southern District Hospital sa bayan ng Roxas si Roden Gabayno, 47, matapos makaranas ng hirap sa paghinga habang natutulog noong madaling araw ng Nobyembre 17.

Sinubukan pa siyang i-revive ng mga doktor ngunit idineklarang patay bandang alas-4 ng madaling araw.

Si Roden ay isang barangay councilor sa Barangay Labonan, Bongabong.

Ayon kay Toto, hindi umiyak si Roden sa burol ng anak at doon lamang niya ipinakita ang matinding lungkot nang ilibing si Altheia noong Sabado.

Ikinuwento rin ng pinsan na sinabi umano ni Roden sa kanyang asawa noong gabi bago siya pumanaw na hindi na niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman.

Natagpuan ang 20-anyos na si Altheia na wala nang buhay sa isang liblib at madamong lugar sa Barangay Sapul, Calapan City, madaling araw ng Nobyembre 7. Nagtamo siya ng maraming saksak.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang 26-anyos na suspek, na iniulat na dating nobyo ng biktima, at kinasuhan ng murder. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here