CAVITE, Philippines – Pumanaw nitong Linggo, Setyembre 6, si Manuel Tagle Sr., ama ni Luis Antonio G. Cardinal Tagle, sa edad na 96.
Namatay si Tagle Sr. dakong 7:09 a.m. Ayon sa CBCP News, nasa Rome si Cardinal Tagle, na kasalukuyang pro-prefect ng Vatican’s Dicastery for Evangelization, nang pumanaw ang kanyang ama.
Nagpasalamat si Cardinal Tagle sa Diyos para sa buhay at misyon ng kanyang ama at humiling ng panalangin para sa kanyang walang hanggang kapahingahan.
“May Tatay Maning rest in peace, with Mary, the angels and saints.”
Magsisimula ang lamay at viewing sa Casas Hall sa loob ng Bishop’s House sa Imus City, Cavite ngayong Lunes, Setyembre 7, mula 4 p.m. hanggang 10 p.m. Magpapatuloy ito mula 7 a.m. hanggang 10 p.m. sa Setyembre 8 at 9.
Gaganapin ang Requiem Mass alas-10 ng umaga sa Huwebes, Setyembre 10, sa Imus Cathedral. RNT/MDS