MANILA, Philippines- Arestado ang isang 58-anyos na lalaki matapos umanong pagsamantalahan ang anak ng kanyang live-in partner na nangyari pa noong 2013 habang 14-anyos pa ang biktima.
Ayon sa Manila Police District (MPD), lumapit ang biktima upang i-report ang insidente matapos siyang humingi ng tulong mula sa kanyang tiyahin noong 2015.
Sinabi ng pulisya na sa kabila ng pagsisikap niya na maghain ng kaso, nagtago ang suspek ng halos isang dekada hanggang maaresto noong Pebrero 28.
Ibinunyag ng biktima na ang kanyang ina ay patuloy na nakikipagrelasyon sa suspek sa loob ng ilang taon, nakipaghiwalay lamang noong 2023.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsuporta sa biktima ng sekswal na pag-aabuso. Jocelyn Tabangcura-Domenden