Manila, Philippines- Nalagasan ng isa ang hanay ng mga character actor.
Nitong May 8, tahimik na nilisan ni Amay Bisaya ang mortal world.
Siya y 67 anyos.
Born Roberto Reyes, taong 1972 nang magsimula ang karera ni Amay sa showbiz.
Partikular na tumatak sa mga manonood ang papel niya bilang sidekick kina Fernando Poe Jr., Ramon Revilla Sr., Lito Lapid at ilan pang mga top action stars.
Kumplikasyon dala ng diabetes ang cause of death ni Amay.
Simula May 11 magsisimula ang lamay sa kanya sa St. Peter Memorial Chapels sa Commonwealth, Quezon City.
Amay was last seen in the film Nagalit ang Bangkay sa Haba ng Lamay.
Sumubok din siyang pumasok sa pulitika pero hindi siya pinalad.
Kilalang Marcos loyalist si Amay.
Noong November 2022 ay naiulat nang namayapa siya.
Dahil fake news, dumepensa si Amay na malakas at malusog siya’t walang iniindang anumang karamdaman.
Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikidalamhati sa mga naulila ni Amay Bisaya. Ronnie Carrasco III