MANILA, Philippines – Nagkabanggan ang isang ambulansya na may kargang pasyente at isang tanker na may karga namang aviation fuel sa Pasay City.
Ayon kay Ferdinand Lee, hepe ng Pasay City Traffic and Parking Management Office (TPMO), wala namang nasugatan o namatay sa naturang aksidente.
Sinabi ni Lee na naganap ang banggaan dakong alas-11:58 ng umaga sa ilalim ng isang overpass sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue, kung saan napinsala nang husto ang harapang bahagi ng ambulansya.
Bagama’t nagtamo ng matinding pinsala ang ambulansya ng Barangay Del Remedio ay nagpatuloy pa rin ito sa pagdadala ng pasyenteng babae nito na nakatakdang sumailalim sa operasyon sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na karagdagang detalye ang mga awtoridad hinggil sa kalagayan ng mga taong sangkot sa insidente. James I. Catapusan