Home NATIONWIDE Amihan magpapaulan sa extreme Northern Luzon

Amihan magpapaulan sa extreme Northern Luzon

MANILA, Philippines- Magdudulot ng pag-ulan ang northeast monsoon (amihan) sa extreme Northern Luzon ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Batanes at Babuyan Islands na sasabayan ng mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon.

Makararanas naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Northern Luzon ay moderate to strong patungong east to northeast direction na may moderate to rough coastal waters.

Inaasahan sa natitirang bahagi ng bansa ang light to moderate wind speed patungong east to northeast direction na may slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:09 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:27 ng hapon. RNT/SA

Previous articleHALOS LAHAT NAGING BOBO
Next articleHigit 100 PDLs sa Manila City Jail palalayain ngayong Biyernes, Dec. 8