MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang Northeast Monsoon o Amihan sa Cagayan Valley, the Cordillera Administrative Region, at Aurora.
Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila, Ilocos Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil din sa Amihan.
Samantala, ang Eastern Visayas, Caraga, Davao Region, Zamboanga Peninsula, Sarangani, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay apektado ng Easterlies na magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.
Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa Easterlies. RNT/JGC