Home NATIONWIDE Amihan, shear line magpapaulan ngayong Undas 2023

Amihan, shear line magpapaulan ngayong Undas 2023

MANILA, Philippines- Dapat magdala ng payong ang mga bumibisita sa All Saints’ Day dahil magpapaulan ang Northeast Monsoon (Amihan) at shear line sa ilang bahagi ng bansa.

Batay sa pinakabagong pagtataya ng PAGASA, namataan ang low pressure area (LPA) sa coastal waters ng Caramoran, Catanduanes nitong Miyerkules, alas-3 ng madaling araw.

Sinabi ng PAGASA na asahan na sa Metro Manila, mainland Cagayan, Isabela, Aurora, Bulacan, Calabarzon, Marinduque, at Camarines Norte ang maulap na kalangitan na may kalat a pag-ulan dahil sa LPA at shear line.

Makararanas naman ang Cordillera Administrative Region, Nueva Ecija, at natitirang bahagi ng Cagayan Valley ng maulap na kalangitan at pag-ulan dahil sa Amihan, dagdag nito.

Inihayag ng weather bureau na magdadala rin ang Northeast Monsoon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” sa Ilocos Region at natitirang bahagi ng Central Luzon.

Asahan din sa Visayas, Mindanao, at natitirang bahagi ng Mimaropa, at natitirang bahagi ng Bicol Region ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Samantala, ang coastal waters ay magiging moderate to rough (1.2 hanggang 3.1 meters) sa Luzon, at slight to moderate (0.6 hanggang 2.1 meters) sa Visayas at Mindanao.

Ang wind speed sa Luzon ay moderate to strong patungong northeast, habang ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng the light to moderate patungong east to northeast.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:51 ng umaga at lulubog mamayang alas- 5:28 ng hapon. RNT/SA