Home SPORTS Nuggets delikado sa TimberWolves

Nuggets delikado sa TimberWolves

LOS ANGELES – Naghahanda na ang Minnesota Timberwolves para sa isang battle royale laban sa Denver Nuggets sa Linggo (PH time) kung saan makakalaban nila ang NBA champion Denver Nuggets, nagpayukod sa Los Angeles Lakers, sa kanilang unang second-round playoff series sa loob ng 20 taon.

Bumiyahe ang third-seeded Timberwolves sa Colorado para sa Game 1 na puno ng kumpiyansa matapos ang impresibong 4-0 series na sweep laban sa star-studded Phoenix sa unang round ng Western Conference playoffs.

Minarkahan ang panalo sa seryeng iyon ng unang pagkakataon mula noong 2003-2004 season na matagumpay na nalampasan ng T-Wolves ang unang hadlang ng post-season.

Ang defensive talisman ng Minnesota na si Rudy Gobert ay nagsabi na ang Denver, gayunpaman, ay magpapakita ng ibang pagsubok sa kabuuan.

“Ito ay isang malaking hamon para sa amin,” sinabi ni Gobert. “They are the reigning champions and it’s not by chance. It’s a very big team that knows how to play very well together, which is very well coached, with a real identity.”

Sinabi ni Gobert na ang Timberwolves ay nagpaplano ng mga estratehiya upang makayanan ang two-time NBA Most Valuable Player ng Nuggets na si Nikola Jokic, na pinapaboran ng marami upang makuha ang karangalan sa ikatlong pagkakataon ngayong season.

“Malapit nang maging triple MVP si Jokic and it is deserved,” ani Gobert.

Si Gobert, isa sa tatlong finalist para sa NBA’s Defensive Player of the Year award, ay naniniwala na ang Minnesota ay nagtataglay ng laki at pisikal na katawan upang labanan ang Denver.

Samantala, sinabi ni Gobert na ang opensa ng Minnesota sa pangunguna ni Anthony Edwards, ang 2020 No.1 NBA Draft pick, ay maaari ring magdulot ng problema para sa Denver, 4-1 panalo laban kay LeBron James at sa Los Angeles Lakers sa unang round.

Sinabi ni Gobert na dinala ng 22-anyos na si Edwards ang kanyang laro sa bagong antas ngayong season.

“Nakakabaliw isipin na 22-years old pa lang siya. May maturity na siya.”JC