Home NATIONWIDE PBBM sa pagbisita sa GenSan, ‘structural integrity’ ng mga ospital, tiyakin

PBBM sa pagbisita sa GenSan, ‘structural integrity’ ng mga ospital, tiyakin

3
0

GENERAL SANTOS, Philippines – Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ilang public facilities sa General Santos City kung saan inatasan niya ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na iprayoridad ang ‘structural assessments’ ng mga health facilities na napinsala ng magnitude 7.8 earthquake na tumama sa Mindanao.

Binisita ng Pangulo ang St. Elizabeth Hospital para i-assess ang lawak ng pinsala at idetermina ang agarang pangangailangan ng pasyente at healthcare workers.

Ipinag-utos ng Pangulo sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na bilisan ang structural integrity assessments ng mga ospital at iba pang health facilities upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at mapadali ang ligtas ng pagbabalik ng mga pasyente.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na iprayoridad ang ebalwasyon ng medical facilities habang nagpapatuloy ang ‘rehabilitation and relief operations’ sa mga komunidad na tinamaan ng malakas na pagyanig.

Sa kabilang dako, umabot na sa 45 ang mga nasawi mula sa malakas na lindol na tumama sa Sarangani.

Maliban sa pag-inspeksyon ng Pangulo sa ospital, binisita rin ng Chief Executive ang nagpapatuloy na distribusyon ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa General Santos City Oval Plaza.

Gayundin, binisita ng Pangulo ang Romana C. Acharon Central Elementary School at General Santos National High School para i- assess ang epekto ng lindol sa educational facilities.

Isinagawa ang inspeksyon habang nagpapatuloy ang mga ahensiya ng pamahalaan sa ginagawa nitong ‘damage assessments at recovery efforts’ sa mga apektadong lugar. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here