Home HOME BANNER STORY Ammendments sa 2026 GAB gagawin lamang sa ikalawang pagbasa – Sotto

Ammendments sa 2026 GAB gagawin lamang sa ikalawang pagbasa – Sotto

343
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang lahat ng amendments sa 2026 General Appropriations Bill (GAB) ay papayagan lamang sa ikalawang pagbasa upang maiwasan ang mga last-minute insertion.

“Walang mag-iinsert sa third reading o sa Bicam. Sa madaling salita, zero insertions,” aniya.

Idinagdag niya na tumanggi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-certify ang badyet as urgent, at sinabing, “Nung LEDAC namin, sinabi niya agad, ‘I will not certify any of your budget as urgent dahil baka isipin nila inaapura natin.’”

Sinabi ni Sotto na layunin ng Senado na tanggalin ang mga unprogrammed funds at i-relocate ang mga ito sa mga tamang ahensya. Binanggit din niya ang mga proyektong tinulungan ng ibang bansa bilang isang hamon sa pagbasura ng ilang alokasyon.

“Hindi namin papayagan na maging unprogrammed lang ‘yun nang ganun,” aniya, tumutukoy sa mga bagay tulad ng AICS at MAIP, na aniya ay dapat ilagay sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development at Department of Health.

“Ang usapan namin ni Sen. Sherwin, sabi ko ‘Win, ‘yung unprogrammed burahin natin ‘yun ah.” Ang sabi niya, ang problema dun ay ‘yung foreign assisted. Hindi natin pwedeng alisin basta basta foreign assisted [projects],” saad ni Sotto.

Noong unang bahagi ng linggong ito, inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang bersyon nito ng panukalang P6.793 trilyong pambansang badyet para sa 2026.

Inalis ng Kamara ang 35 bilyon mula sa unprogrammed funds sa ilalim ng programang SAGIP, ngunit tinanggihan ang isang mosyon na ibasura ang buong 249 bilyong unprogrammed appropriations.

Inalis ng Kamara ang P35 bilyong halaga ng pondo para sa Strengthening Assistance for Government Infrastructure Program (SAGIP) na inilagak sa ilalim ng unprogrammed fund.

Ito ay matapos tanggihan ng plenaryo ng Kamara ang mosyon ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na tanggalin ang buong P249 bilyon na unprogrammed appropriations.

“Hindi namin papayagan na maging unprogrammed lang ‘yun nang ganun,” saad ni Sotto.

“Kung mayroon silang inilalagay sa unprogrammed katulad ng AICS at MAIP, ‘yung medical assistance, ilagay sa institusyon, sa [DSWD] at DOH. Bakit kailangan nasa unprogrammed?” dagdag niya.

Napanatili rin ni Sotto ang kanyang suporta na i-livestream  ang mga pagdinig sa Bicam upang mapabuti ang transparency.

“Sisiguruhin ko ang livestreaming ay open hindi lamang sa Facebook ng Senate kundi pati sa YouTube,” ani Sotto.

Idinagdag niya na ang sinumang nagnanais na mag-obserba sa mga pagdinig sa Bicam ay malugod na tatanggapin na gawin ito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here