Sumuko sa awtoridad ang PBA player na si John Amores nitong Huwebes ng madaling araw matapos masangkot sa insidente ng pamamaril sa Laguna.
Bandang alas-2 ng madaling-araw ay sumuko si Amores kasama ang kanyang kapatid.
Nahaharap si Amores sa kasong attempted murder at sasailalim sa inquest proceeding ngayong araw.
Base sa imbestigasyon na naglalaro ng basketball si Amores at ang biktima na kinilalang si Lee Cacalda sa Barangay Salac nang magkaroon ng mainitang pagtatalo.
“Meron silang tawag na hindi napagkasunduan. Naghamunan ng suntukan sa Brgy. Salac then naunang umalis itong suspek natin tapos sumunod iyong biktima, hanggang umabot sila sa Brgy. Maytalang at doon sila nagpang-abot. naghamunan ulit ng another na suntukan. then si John Amores ay may dala nang baril at pinaputukan na ang ating biktima,”
Maswerte namang hindi natamaan ang biktima.
Sinabi ng mga awtoridad na itinapon ni Amores ang baril na ginamit niya nang sumuko sila dahil sa “mga pananakot.”
“Nag-voluntary surrender po siya sa ating station at dahil.. nagkakaroon ng threat sa kanilang buhay. Sa kanila pareho. Iyon lang po ang napagdesisyunan nila na natatakot na sila sa kanilang seguridad,” ani Ordiz.
Noong 2022, si Amores, na noon ay isang manlalaro ng Jose Rizal University, ay nataranta at sinuntok ang isang manlalaro mula sa College of Saint Benilde sa isang laro ng NCAA. RNT