Home HOME BANNER STORY Amyenda sa 4Ps, target ni PBBM

Amyenda sa 4Ps, target ni PBBM

294
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes na pinag-aaralan ng pamahalaan ang pag-amyenda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang mas maging angkop ito sa pangangailangan ng mga benepisyaryo.

“Pinagaaralan natin ang pagaamyenda ng 4Ps Act upang mas matugunan nang wasto ang sitwasyon ng ating mga benepisyaryo,” ani Marcos sa Kumustahan ng Pamilyang Matatag event.

Dagdag pa niya, sisiguruhin ng gobyerno na bawat hakbang ay nakabatay sa masusing pagsusuri upang manatiling matibay at epektibo ang 4Ps.

Tinataya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makatutulong ang 4Ps para maiahon sa kahirapan ang nasa tatlong milyong Pilipino.

Kabilang sa kondisyon ng programa ang pagpapaaral sa mga bata at regular na pagbisita sa health centers. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here