Home METRO Anak ginahasa ng ama, himas-rehas

Anak ginahasa ng ama, himas-rehas

KASIBU, Nueva Vizcaya – Himas rehas ang isang padre de pamilya na tinaguriang Top 7 most wanted person matapos gahasahin ang kanyang sariling anak ng maaresto ng mga pulisya ng Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sa direktiba ni PCol. Jectophet Haloc, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO na hulihan at panagutin ang mga akusado na gumagawa ng krimen kung kayat nahuli ang suspek ng nasa likod ng paulit-ulit na panggagahasa ay 40-anyos habang ang biktima ay labing isang taong gulang pa lamang at Grade 6 nang magsimulang mangyari ang insidente.

Ang biktima ay iniwan ng kayang ina sa piling ng kapatid ng kanyang live-in partner dahil sa pagmamaltrato sa kanya ng suspek.

Kaugnay nito, nang malaman ng ina ng biktima ang ginagawang pang-aabuso ng kanyang dating kinakasama ay agad niya itong sinampahan ng kaso.

Apat na bilang ng kasong rape of minor at tatlong bilang ng kasong acts of lasciviousness ang isinampa laban sa suspek.

Samantala, posibleng habang buhay na pagkabilanggo ang kahaharapin ng suspek dahil umaabot sa mahigit na kalahating milyong piso ang inirekomendang piyansa sa suspek para sa Acts of Lasciviousness habang walang inirekomendang piyansa para sa kasong panggagahasa. REY VELASCO