Home ENTERTAINMENT Anak, inokray ni Katrina sa online shoppingENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Anak, inokray ni Katrina sa online shoppingMay 11, 2024 07:45 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Even kids subscribe to online shopping.Siyempre, with it comes the tendency na gumastos ang mga kids on stuff na madalas ay luho lang ng katawan.Siguro, kailangang mag-“seminar” ang nag-iisang anak ni Katrina Halili sa nag-iisa ring anak nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.Naging “bisyo” na rin pala ng binatilyong si Nate ang online shopping.Pero paglilinaw ng amang si Ogie ay pera nito ang pinanggagastos niya.Dito magkaiba sina Nate at Katie.Katie is the sole child of Katrina by singer Kris Lawrence.Nakakatawa nga ang video clip kung saan “inookray” ng aktres ang anak.Bili kasi nito nang bili sa online, gayong “wala na raw pera” si Katrina.Nakipag-bargain ang bagets na last purchase na raw niya ‘yon.Undrstanding naman si Katie dahil nang dumating ang kanyang order ay panay pakiusap ito na ika-cancel na lang niya ito.Mabuti’t napakiusapan ang delivery rider.Hindi rin kinikunsinti ni Kris ang luho ng anak who told Katie: “Doble triple na ang beanie boos mo…last na ‘yan, Katie!”Mabuting habang maaga’y ini-instill ng mga magulang ang value ng practical at wise spending sa kanilang mga anak.Okey lang na “magwala-walaan” ng pera paninsan-minsan for the parents to drive their message across. Ronnie Carrasco III