Home ENTERTAINMENT Anak ni Goma, co-host ni Willie?

Anak ni Goma, co-host ni Willie?

Manila, Philippines- Kumpirmado nang sa July 15 na ang pilot episode ng Wil to Win hosted by Willie Revillame sa TV5.

Pero isang araw bago rito’y idaraos muna ang “welcome party” kung saan all 8 plus 1 ang ipakikilala bilang co-hosts ni Willie.

Win Girls ang collective name nila.

Pero mas nakakaintriga ‘yung plus 1 na co-host na naka-fencing pose in silhouette.

Nagkakaisa ang publiko na ‘yun ay walang iba kundi si Juliana Gomez, only child nina Richard Gomez at Lucy Torres.

Base na rin ‘yon sa clue na isang anak ng sikat na showbiz couple ay magiging bahagi ng nasabing afternoon show.

Pero nang ussain si Lucy, wala raw siyang ideya kung si Juliana nga ‘yon.

Aniya, when it comes to what her daughter wishes to do ay ipinauubaya niya ito sa kanya.

She lets her be, ‘ika nga.

Samantala, ang makakatapat ng show ni Willie ay ang Family Feud hosted by Dingdong Dantes.

Balitang magpapakawala ng ilang milyong piso si Willie sa pilot episode nito.

Kung pera-pera raw ang laban ay handa itong tapatan ng FF.

In fact, ikagugulat daw ng viewers ang pantapat nito sa show ni Willie.

Sa Buko channel, One ph at dalawa pang channel bukod sa TV5 matutunghayan ang balik-TV show ni Kuya Wil. Ronnie Carrasco III