Home ENTERTAINMENT Andrea, gumanti kay Kathryn!

Andrea, gumanti kay Kathryn!

Manila, Philippines – Sabi nga, “An eye for an eye, a tooth for a tooth!”

Ito mismo ang pinairal ni Andrea Brillantes sa natuklasan ng mga netizens.

Dahil in-unfollow na siya ni Kathryn Bernardo sa social media, alangan namang ipagsiksikan pa ni Blythe ang kanyang sarili?

Unfollowing Kathryn as well was what Andrea thought best.

Matatandaang itinuturong mitsa ng kanilang “friendship gone sour, if not bitter” ay ang unconfirmed tsika na nagkikita nang palihim ang ex ni Kathryn na si Daniel Padilla at Andrea.

Hindi pa direktang ina-address ni Daniel ang partikular na isyu.

At presstime, wala pang kumpirmadong reaksyon si Kathryn why she unfollowed Andrea on social media.

Isa lang ang tiyak: ayaw na niyang makatrabaho si Andrea.

As far as the netizens are concerned, deserve din lang daw ni Kathryn na i-unfollow ni Andrea.

Anila, hanggang pagkakaibigan ba nama’y naghahabol pa rin si Andrea sa taong ayaw sa kanya?

Obyus na ang precedent nito ay ang paghahabol ni Andrea sa dating nobyong si Ricci Rivero. Ronnie Carrasco III