Home OPINION ANG CORDS AT SI MAYOR MAGALONG

ANG CORDS AT SI MAYOR MAGALONG

KAMAKAILAN nagbitaw ng pangako ang Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict na pangangalagaan nito ang kapayapaan at kaunlaran sa malalayong komunidad ng Cordillera, lalo na ang mga barangay na naiipit sa hidwaan ng mga armadong grupo.

Ang RTF-ELCAC Cordillera ay mapalad dahil co-chairperson nito si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na siya rin co-chair ng Cabinet Officer for Regional Development and Security  ng rehiyon sa pamumuno ni Transportation Secretary Jaime Bautista.

Nasa kanyang balikat ang pangakong binitawan ng task force at ng CORDS na kinabibilangan ng labing-dalawang cluster ng mga ahensiya ng pamahalaan para siguraduhin na ‘di na uli maiipit ang probinsiya o ang buong region sa mga bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at mga tropa ng pamahalaan.

Pinamamahalaan din ni Magalong ang pagpapatupad ng Support to Barangay Development Program, ang Retooled Community Support Program, at Capacitating Urban Communities for Peace and Development. Mabibigat na programa ang mga nabanggit para lamang mapanatili ang kapayapaan at magtuloy-tuloy ang kaunlaran.

Tinataya ng alkalde ng Baguio City ang pagkakaisa ng lahat ng miyembro ng RTF-ELCAC at ng CORDS para sa kapayapaan matapos matapyas ng ating mga kawal ang lakas ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Katunayan mayroong plano itong si Magalong na magtayo ng pasilidad na kung tawagin ay ‘Bringers of Peace’ o’ taga-paghatid ng kapayapaan.

Ito ay halos pulos na o kasado na dahil P50-milyon na ang inilaan dito nina Magalong at ng Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity, sa pamumuno ni Secretary Carlito Galvez Jr.

Dito magmumula at makukuha ng mga taga-Cordillera at ng mga taga-Baguio ang mga programa sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo na ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program na para sa mga dating rebelde at ang tatlong programa pang nabanggit.

Sa sinimulang ito nina Magalong at kapwa CORDS para mapalapit ang mga programa ng pamahalaan sa taumbayan, maaari nang simulan ang binabalak din na landas na bagong tatahakin ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict nang sa gayon, ay tatawagin na itong National Task Force for Unity, Peace and Development o NTF-UPD.

Previous articleVALENZUELA PILGRIM IMAGE CROWNED BY VATICAN
Next articleREWIND AND THE RESURGENCE OF PHILIPPINE CINEMA