Home ENTERTAINMENT Angel, nagparamdam kay Vice!

Angel, nagparamdam kay Vice!

162
0

Manila, Philippines – Sa kakaibang paraan idinaan ni Angel Locsin ang kanyang pagpaparamdam sa kanyang celebrity friends.

As we all know, Angel has embarked on a self-imposed break since 2022.

Isa nga si Vice Ganda na masuwerteng ni-reach out ni Angel.

Sinorpresa ni Angel ang TV host ng isang regalo–a new fur baby.

Isang chai poodle ang ibinigay ng mag-asawang Angel at Neil Arce.

Kung matatandaan, labis na ikinalungkot ni Vice Ganda nang mamatay ang kanyang six-year-old pet dog na pinangalanan niyang Chip-in noong August.

Tamang-tama namang nanganak ang alagang aso ng Arce couple, at isa nga sa mga puppies ay iniregalo niya sa Unkaboggable Star.

May kuwento si Vice Ganda tungkol sa pangalang ibinigay niya sa chai poodle.

Nagkataon kasing nag-a-unbox siya ng mga regalo.

Isa raw doon ay isang laruan na may balahibong nakakahawig sa fur baby na bigay ni Angel.

She ended up naming her pet dog as Zimomo.

To this day, nananatiling “out of touch” ang aktres liban sa mga manaka-naka niyang bonding moments with showbiz friends closest to her.

Isa na nga rito si Dimples Romana na nagtsikang “naaadik” daw si Angel kakalaro ng video games.

Bihira na rin daw humawak ng cellphone si Angel, lalo na ang tumutok sa social media. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here