Home ENTERTAINMENT Angeline, ikakasal na!

Angeline, ikakasal na!

Manila, Philippines – Nakatakda nang ikasal si Angeline Quinto sa ama ng kanyang two-year-old child.

Sa darating na April 25, ang binansagang Queen of Teleserye Songs will walk down the aisle as she ties the knot with Nonrev Daquina.

Dahil isang deboto ng Nazareno, ang pagpapakasal ni Angeline ay gaganapin sa Quiapo Church.

Ayon sa ulat ni Ogie Diaz, si Manila City Mayor Honey Lacuna at ilang mga boss ng ABS-CBN ang magsisilbing mga ninang at ninong sa kasal.

Matatandaang March 2020 nang magkakilala sina Angeline at Nonrev through a common friend.

What particularly attracted Angeline ay ang ngiti ng lalaki who would later become the father of Baby Sylvio.

Ilan lang sa mga pinagdaanang intriga ng couple ay ang masabihan si Nonrev na estado lang daw ni Angeline ang hinabol niya.

Mariin namang itinanggi ito ng singer-actress.

Hindi rin itinanggi ni Nonrev na may tatlo pa siyang anak na babae from a previous relationship.

Ibinlita rin ni Ogie na nagdadalantao si Angeline sa ikalawa nilang anak ni Nonrev.

Ogie sent an early congratulatory message to the couple. Ronnie Carrasco III