Home ENTERTAINMENT Anjo, ayaw ng mano, mas bet ang beso sa mga bagong artista!

Anjo, ayaw ng mano, mas bet ang beso sa mga bagong artista!

214
0

Manila, Philippines- Isa si Anjo Yllana sa kasama sa casting ng Chasing in the Wild of Viva One.

Nang matanong ito sa preskon of the said film during Q&A portion ng kung ano ang pakiramdam na makatrabaho ang mga bagong kabataang artista ng Viva Productions, ang kanyang naging kasagutan ay, “Iba na, di ko na masakyan masyado katulad nang music, iba na talaga.

“At saka ayoko silang nagmamano sa akin. Gusto ko, kiss kiss lang,” na ikinatawa ng lahat as in laff trip lang.

Ang tinutukoy ni Anjo na mga bagets na artista of this generation ay sina Gab Lagman, Hyacinth Callado, Heaven Peralejo, Krissha Viaje, Bea Binene, Aubrey Caraan, Nicole Omillo, Marco Gallo, Jerome Ponce, Wilbert Ross, Jairus Aquino.

Ang Chasing in the Wild ay directed by Thop Nazareno na ang season premier ay this coming August 16, 2024

Humigit na sa 650 million ang reads sa Wattpad ng The University Series ni Gwy Saludes. At matapos ang matagumpay na adaptation ng “The Rain in España” at “Safe Skies, Archer”, siguradong sabik na ang mga fans sa ikatlong libro.

‘Yon lang muna. Mercy Lejarde

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here