Home ENTERTAINMENT Anjo, bet makipag-ayos sa TVJ?

Anjo, bet makipag-ayos sa TVJ?

1
0

Manila, Philippines – May tweet ang isang birdie na gusto raw hilutin o makipag-ayos ni Anjo Yllana kina Tito, Vic and Joey.

Ito ay pagkatapos na magkaroon ng resolusyon ang kasong isinampa ng TVJ Productions laban sa aktor dahil sa pagkakalat umano nito ng fake news at mga mapanirang-puring akusasyon sa kanyang mga dating kasamahan sa noontime show.

May hirit pa ang isang source na diumano’y problemado ang aktor dahil pinagbabayad ang dating komedyante ng kabuuang 3.5 million peaos in temperate, moral, exemplary damages at attorney’s fees and litigation costs kaugnay ng kaso.

Eh, saan nga namang kamay ng Diyos kukunin ng aktor ang pambayad sa danyos considering na hindi na naman ito aktibo sa showbiz at apektado ang ganansya.

Bukod dito, may permanent injunction order pang inilabas ang korte laban kay Anjo at sa kanyang kampo sa paglalabas ng anumang mapanirang posts sa TikTok at anumang digital platforms.

Matatandaang sa mga alegasyon ni Anjo ay nabanggit niyang may sindikato sa loob ng show.

Inakusahan din niya si Tito Sotto na mayroong long time mistress way back in 2013.

Kinuwestiyon din niya ang pondo ng scholarship donations ng Senador.

May akusasyon din siya na ang dating direktor ng show na si Bert de Leon ay tinanggal umano ng ilang influential people sa loob ng organisasyon.

Bukas naman ang pahinang ito sa panig ng TVJ at ni Anjo hinggil sa isyu. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here