Home OPINION ANO ANG DAPAT GAWIN KAPAG MAY INFLUENZA A?

ANO ANG DAPAT GAWIN KAPAG MAY INFLUENZA A?

322
0

KADALASAN, ang Influenza A ay gumagaling sa loob ng isang Linggo, ngunit mahalaga pa rin ang tamang pangangalaga upang maiwa­san ang komplikasyon.

Narito ang mga dapat ga­win:
1. Magpahinga nang sapat. Iwasan muna ang pagpasok sa trabaho o paaralan upang hindi makaha­wa.
2. Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.
3. Uminom ng gamot sa lagnat at pananakit kagaya ng paracetamol o ibuprofen.
4. Iwasang uminom ng antibiotic kung hindi inireseta ng doktor dahil ang influenza ay dulot ng virus, hindi bacteria.
5. Magpakonsulta kaagad sa doktor kung ang lagnat ay tumagal nang higit sa tatlong araw, may hirap sa paghinga, o may kasamang pananakit ng dibdib.

Sa mga may malubhang kon­dis­yon katulad ng matatanda, buntis, bata, o may sakit sa puso at baga, maaaring irekomenda ng doktor ang antiviral medication katulad ng oseltamivir (Tamiflu) upang mapabilis ang paggaling.

Ano ang mga posibleng epekto? Bagaman karamihan sa mga kaso ay gumagaling, may ilan na maaaring magkaroon ng komplikasyon katulad ng:
* Pneumonia
* Bronchitis
* Paglala ng asthma o chronic lung disease
* Impeksyon sa tainga (Otitis media)

Sa malulubhang kaso, lalo na kung mahina ang immune system, maaari itong humantong sa pagka-confine sa ospital o maging sanhi ng kamata­yan.

Paano makaiiwas sa Influenza A?
1. Magpabakuna laban sa flu tuwing taon, ito ang pinakamabisang paraan ng pag-iwas.
2. Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo.
3. Takpan ang ilong at bibig kapag uubo o babahing.
4. Iwasang humawak sa muk­ha kung hindi pa nakapag­hugas ng kamay.
5. Iwasan ang matataong lugar lalo na kapag maraming may trangkaso sa paligid.
6. Panatilihin ang malusog na katawan sa pamamagitan ng balanseng pagkain, sapat na tulog, at regular na ehersisyo.
7. Magpa-araw sa umaga upang mapalakas ang resistensya.
Ang Influenza A ay hindi dapat ipagsawalang-bahala.

Ma­aaring magsimula ito sa simpleng lagnat at ubo ngunit mauwi sa komplikasyon kung mapapabayaan.

Sa tamang kaalaman, pag-iingat, at pangangalaga sa ka­lusugan, kayang-kaya nating la­banan at maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito.

Paalala ng mga eksperto, kung may sintomas ng trangkaso, manatili sa bahay at kumonsulta agad sa doktor.

Sa ganitong paraan, hindi lamang binibigyang proteksyon ang sarili kundi pati ang mga taong nasa paligid.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here