Home NATIONWIDE Antas ng tubig sa ilang dam, patuloy na tumaas dahil sa Habagat

Antas ng tubig sa ilang dam, patuloy na tumaas dahil sa Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Patuloy na tumataas ang antas ng tubig sa ilang dam sa bansa sa nakalipas na 24 oras dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat, ayon sa PAGASA.

Sa ulat nitong Martes, sinabi ng PAGASA na Angat, Magat, at San Roque dams ang may pinakamalaking pagtaas ng tubig mula Lunes ng umaga.

Ang Angat Dam sa Bulacan ay tumaas mula 170.47 metro hanggang 174.98 metro. Ang Magat Dam sa Isabela ay umakyat mula 174.34 metro hanggang 176.35 metro, habang ang San Roque Dam sa Pangasinan ay tumaas mula 254.77 metro hanggang 260.34 metro.

Tumaas din ang tubig sa Ipo Dam (100.59 m hanggang 100.63 m), La Mesa Dam (79.92 m hanggang 80.17 m), at Pantabangan Dam (182.22 m hanggang 183.11 m).

Samantala, bahagyang bumaba ang antas ng tubig sa Binga, Caliraya, at Ambuklao dams.

Ayon sa PAGASA, bukas ang dalawang gate ng Ambuklao Dam, dalawang gate ng Binga Dam, at isang gate ng Ipo Dam nitong Martes ng umaga.

Patuloy pa ring makaaapekto ang habagat sa ilang bahagi ng Luzon, ngunit inaasahang hihina ito sa mga susunod na araw at unti-unting gaganda ang panahon sa maraming bahagi ng bansa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here