Home HOME BANNER STORY ‘Anti-vax campaign’ ng US military kailangang talupan – DOH

‘Anti-vax campaign’ ng US military kailangang talupan – DOH

MANILA, Philippines- Nararapat na imbestigahan ang umano’y “secret campaign” na inilunsad ng US military sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19 na naglalayon umanong siraan ang Sinovac vaccine ng China sa Pilipinas, sinabi ni Departmemt of Health (DOH) spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo nitong Linggo.

Iniulat kamakailan ng na sa panahon ng pandemya, nilayon ng US na maghasik ng pagdududa tungkol sa kaligtasan at pagiging epektibo ng mga bakuna at iba pang tulong sa pagsagip ng buhay na ibinibigay ng China sa mga bansa tulad ng Pilipinas.

Sinabi ng Reuters na ang Pentagon ay naghahatid ng maling impormasyon ng COVID-19 sa pamamgitan ng X o dating twitter.

Tinukoy nito ang hindi bababa sa 300 account, halos lahat ay ginawa noong summer ng 2020 at nakasentro sa slogan na #Chinaangvirus.

“Th findings by Reuters deserve to be investigated and heard by the appropriate authorities of the involved countries,” sabi ni Domingo.

Sinabi pa ng Reuters na pagkatapos nitong tanungin ang X tungkol sa mga account, inalis ng social media company ang mga profile a tinutukoy na bahagi sila ng isang coordinated bot campaign batay sa mga pattern ng aktibidad at panloob na data.

“Through phony internet accounts meant to impersonate Filipinos, the [US] military’s propaganda efforts morphed into an anti-vax campaign. Social media posts decried the quality of face masks, test kits, and the first vaccine that would become available in the Philippines – China’s Sinovac inoculation,” ayon pa sa ulat.

Ayon sa Reuters, nagsimula ang anti-vax na pagsisikap ng US military noong simula ng 2020 at lumawak sa Southeast Asia bago ito natapos noong kalagitnaan ng 2021. Jocelyn Tabangcura-Domenden