Home NATIONWIDE Monster ship ng China dumaan malapit sa El Nido – expert

Monster ship ng China dumaan malapit sa El Nido – expert

MANILA, Philippines -Dumaan malapit sa El Nido, Palawan at Scarborough Shoal ang ‘monster ship’ ng China.

Ang barko ng China Coast Guard (CCG) na CCG 5901 na tinatawag na “The Monster” ay dumaan sa
Scarborough Shoal bandang alas-7 ng umaga, ayon kay US Air Force official and ex-Defense Attaché Ray Powell.

“Scarborough Shoal was CCG 5901’s (“The Monster”) final visit in its intrusive patrol of the Philippines’ EEZ,” dagdag ni Powell.

“It passed within 1-2 kilometers of the shoal at 0700 local time this morning.”

Sinabi rin ni Powell na dumaan ang “The Monster” sa El Nido, Palawan nitong Martes.

Nagkaroon din ng paghinto ang naturang barko sa ilang “hot spots” na lugar sa WPS ngayong linggo.

“CCG 5901–“The Monster”–has visited many South China Sea hotspots this week: Thitu Island, Luconia Shoals, 2nd Thomas Shoal, Flat Island, Nanshan Island, and Sabina Shoal,” pagbabahagi ni Powell.

Batay sa track nito, naglayag ang barko ng CCG sa tinuturing ng China na “9-dash line” area sa South China Sea.

Wala pang tugon ang Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay nito. RNT/JGC