Home HOME BANNER STORY Anunsyo ng P85 dagdag-sahod, walang kinalaman sa INC rally – Malakanyang

Anunsyo ng P85 dagdag-sahod, walang kinalaman sa INC rally – Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Malacañang na may kaugnayan ang pag-anunsyo ng P85 na dagdag sa arawang minimum wage sa National Capital Region (NCR) sa isinagawang biglaang rally ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa EDSA.

Ayon kay Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro, matagal nang pinag-aralan at naihanda ang wage hike bago ito inanunsyo.

“Kung in-announce po ito ngayon, ibig sabihin way back naka-draft na siya. So, ibig sabihin way back a month ago napag-aralan po ito,” ani Castro.

Ipinaliwanag niyang hindi nag-iisang nagpasya si Labor Secretary Francis Tolentino dahil dumaan ito sa deliberasyon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.

“So, huwag nilang bigyan ng malisya kung ngayon in-announce,” aniya.

“Kasi mayroong mga mambabatas humihuling na itaas ang suweldo ‘di ba? ‘pag ngayon binigay at itinaas ang suweldo, sasabihin nila tina-timing. So, hindi na natin alam kung saan tayo pupunta,” dagdag niya.

Mahigit 1.1 milyong minimum wage earners sa National Capital Region ang inaasahang makikinabang sa P85 na dagdag-sahod na inaprubahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.

Ipatutupad ang dagdag-sahod sa dalawang yugto: P60 simula Hulyo 19 at ang natitirang P25 sa Enero 2027. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here