Home HOME BANNER STORY Aplasca sinuspinde ng Ombudsman sa insidente sa Senado

Aplasca sinuspinde ng Ombudsman sa insidente sa Senado

55
0

MANILA, Philippines – Inilagay ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla si acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca sa preventive suspension ng anim na buwan sa paggamit ng kanyang armas na nauwi sa shooting incident sa Senado noong Miyerkules, Mayo 13.

“Siya po ang unang nagpaputok. Papaputukan mo, law enforcement? We do not tolerate that,” sinabi ni Remulla sa pulong balitaan.

“That is why we need to investigate. Mahirap patawarin iyong ginawa nilang ‘yun. Di po ito katanggap-tanggap. Ano karapatan niyang gawin yun? Sino siya?” dagdag ni Remulla.

Matatandaan na inamin ni Aplasca na siya ang unang nagpaputok ng warning shot laban sa mga ahente ng National Bureau of Investigation na nasa GSIS building.

Ilang oras matapos ang shooting incident ay nagawang makaalis ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa Senado sa kabila ng standing na warrant ng International Criminal Court kaugnay sa umano’y crimes against humanity dahil sa drug on war. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here