Home ENTERTAINMENT Appendix ni Shaira, itinulad sa longganisa!

Appendix ni Shaira, itinulad sa longganisa!

235
0

Manila, Philippines- Maluwalhating nakaraos na si Shaira Diaz sa pinagdaanang operasyon pero ramdam pa rin niya ang matinding kirot dulot niyon.

Shaira underwent laparoscopic appendectomy.

Ang naturang surgery ay isang minimally invasive procedure kung saan it involves small incisions.

Out of the hospital na nga ang aktres at nagpapagaling.

Pero mas masidhi ang kanyang panawagan na ipanalangin siya.

Du’n lang nalaman ni Shaira na karaniwang singnipis o singlaki lang ng eyelid o talukap ang appendix.

Pero malayo ito sa tinanggal sa kanya.

Pasintabi sa mga kumakain habang binabasa ito, paglalarawan nga niya sa kanyang appendix: “Para siyang skinless longganisa!”

True enough dahil kung titingnang mabuti ang kanyang tinanggal na appendix, it looks like the processed food.

”’Yung nakuha sa akin, thrice the size o mas malaki pa!” aniya.

Buti na lang daw at naagapan ito bago pumutok.

May aral namang natutunan si Shaira sa kanyang health condition.

Ayon sa kanya, if anyone feels something is wrong ay huwag itong balewalain.

“Listen to your body,” payo niya sa publiko.

Siyempre, hindi mawawala sa mga pinasalamatan ni Shaira ang medical staff ng ospital where she was confined.

Kasama na rin ang kanyang mga magulang, at special mention si “Baba.”

Si Baba ay ang nobyo niyang si EA Guzman.

Shaira and EA have been going steady since 2021.

Nakakabilib ngang napagtitiisan ni EA na wala silang “intimate moments” ni Shaira hangga’t hindi pa raw sila ikinakasal–bagay na hinangaan ng mga magulang ng aktres. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here