Home HOME BANNER STORY Approval rating ng Marcos admin lumagapak sa karamihan ng isyung pambansa –...

Approval rating ng Marcos admin lumagapak sa karamihan ng isyung pambansa – Pulse Asia

328
0

MANILA, Philippines – Bumaba ang approval rating ng administrasyong Marcos sa karamihan ng mahahalagang isyung pambansa mula Hunyo hanggang Setyembre 2025, ayon sa pinakabagong Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia Research, kung saan lumitaw na korapsyon at implasyon ang pangunahing alalahanin ng publiko.

Nakakuha lamang ng majority approval (58%) ang administrasyon sa isyung pagprotekta sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs).

“Public assessment of the administration’s quarterly performance across selected issues changes significantly…” ayon sa Pulse Asia, na binigyang-diin ang malaking pagbabago sa opinyon ng publiko sa nakalipas na taon.

Karamihan sa mga Pilipino ay kritikal sa pamahalaan sa mga usapin ng kahirapan (57%), illegal na droga (61%), implasyon (64%), at korapsyon (69%) — kung saan ang dalawang huli ang tinukoy bilang pinaka-urgent na isyu nitong Setyembre.

Nagtala rin ng plurality disapproval ang administrasyon sa sahod ng manggagawa (42%), gutom (43%), at kriminalidad (44%). Halos tabla naman ang approval at indecision sa pangangalaga sa kalikasan at rule of law.

Bumaba ang approval rating sa 9 sa 14 isyu, kabilang ang trabaho (–8 puntos), kriminalidad (–8), kalikasan (–9), korapsyon (–11), rule of law (–13), tulong sa magsasaka (–14), at disaster response (–17).

Tumaas naman ang disapproval sa korapsyon (+19), disaster response (+10), at kriminalidad (+8), habang lumago rin ang indecision sa mga isyung gaya ng kapayapaan at rule of law.

Sa taunang paghahambing, bahagyang tumaas lamang ang approval sa paglikha ng trabaho (+6), pagtaas ng sahod (+14), at pagkontrol sa implasyon (+14). Gayunman, tumaas ang disapproval sa 11 isyu, kabilang ang korapsyon (+25) at kriminalidad (+23). RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here