Manila, Philippines – Mas pinagbalingan ng isang buwisit na netizen si Ara Mina tungkol sa post nito sangkot ang kasama ng aktres nang manood ng PETA stsge play na One More Chance kamakailan.
May account name na B Delgado, tinawag din nito ang pansin ng mga ushers dahil sa kawalan ng aksyon ng mga ito sa inilahad niyang insidente.
Ayon kay B, excited pa naman daw siyang manood ng nasabing dula dahil tagahanga siya ng Ben & Ben.
Bukod dito’y fan din siya ng mga karakter sa One More Chance na sina Basha at Popoy.
Sa film version, pinagbidahan ito nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.
Patuloy ni B, mula raw Act 2 hanggang sa matapos ay hindi niya naintindihan ang kuwento dahil sa kawalan ng “theatre etiquette” ng kasama ni Ara.
Hindi man lang daw sinita ng mga ushers ang kasama ni Ara “with 2 cellphones on full brightness and a fuck…ng laptop!”
Napilitan daw si B na tapikin sa balikat ang kasama ni Ara to call her attention.
Pero sa halip daw tumigil sa paggamit ng mga gadgets ay tiningnan pa raw siya nito mula ulo hanggang paa.
“Not just once but twice! What were the ushers doing? Pag kilala ang nanonood, hindi nila sinisita?” himutok ni B.
Kunsabagay, may point nga naman ang netizen.
Nakaka-distract nga namang habang focused ka sa lyong pinanonood ay may mga ganoong distractions.
Hindi man kasalanan ni Ara’y may pananagutan pa rin ang aktres dahil kasama niya itong nanood ng play.
Maano ba namang sinita ni Ara ang kanyang kasama, dahil hindi naman paggamit ng gadgets ang ipinunta nila roon kundi manood ng play?
Better yet, Ara’s companion could have excused herself na lalabas muna para mag-cellphone nang hindi nakapamerwisyo. Ronnie Carrasco III