Home ENTERTAINMENT Ara, handa nang magbuntis, di na kallangang magpa-freeze ng eggs!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ara, handa nang magbuntis, di na kallangang magpa-freeze ng eggs!March 10, 2025 16:53 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – By hook or by crook, desidido na si Ara Mina na bigyan ng supling ang asawang si Dave Almarinez next year.Nilinaw ng singer-actress na no need daw na magpa-freeze ng kanyang eggs.Batay daw kasi sa kanyang latest medical checkup ay uubra pa raw siyang magbuntis.“Huwag lang daw patagalin,” seryosong sabi ni Ara.May timeline na nga siyang sinundan.But getting pregnant won’t go as planned until all her commitments are fulfilled.Isa na rito ay ang negosyong ilo-launch nila ni Dave.Sa ngayon ay nagwo-workout si Ara to achieve a toned body.“I need to stay fit para hindi ako hingalin,” paliwanag ni Ara.Keeping her fingers crossed, huwag naman daw sanang may dumating na showbiz work that will derail her plan. Ronnie Carrasco III