MANILA, Philippines – Naging mahigpit ang seguridad sa Mendiola kasabay ng pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12.
Ito ay matapos sabayan ng kaliwat-kanang kilos protesta ng ilang grupo na nais magpahayag ng kanilang saloobin.
Sa tapat ng Isettan Recto, maagang nagsagawa rin ng kilos protesta ang Kilusang Pambansang Demokrasya na ang panawagan ay para lumaya sa krisis at panganib ng digmaan.







